Ilang ulit pa ba akong dadaan? Kunyari laging may nakakalimutan Para matanaw ka lang Kapag nakasalubong mo naman Sa gilid ng mata, ika'y tinitingnan Ikaw ba'y lilingon man lang Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin Para lang mapansin mo ang aking damdamin? Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin? Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa Pilit mang ibaling sa iba Lagi nang sa isip ko ay naroon ka At nagbibigay-saya Makita lang kitang nakangiti Ang lungkot na nadarama'y napapawi Ganyan ka lang sana lagi Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin Para lang mapansin mo ang aking damdamin? Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin? Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa Sana man lang, iyong malaman Ang lihim kong nararamdaman Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin Para lang mapansin mo ang aking damdamin? Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin? Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa Sabihin mo naman Kung hiling ng puso ko'y May pag-asa Hmmmmm