Kishore Kumar Hits

Fin Ramirez - Hindi Nga Pala Tayo lyrics

Artist: Fin Ramirez

album: Hindi Nga Pala Tayo


Mga sandaling kapiling ka'y tila walang-hanggan
Langit ang nadarama sa t'wing ikaw ay nariyan
Maging sa panaginip, pangalan mo'y sinisigaw
Oo, ikaw lang ang aking mahal
Ibinigay ko ang lahat, pagmamahal ay 'di sapat
Ika'y biglang naglaho, 'di man lang nagpaalam
Masakit mang tanggapin, 'di alam ang dahilan
Mahal kita, ako sana'y pakinggan
Hindi na pala tayo, iniwan mo ako
"Hindi nga naging tayo", 'yan ang sinabi mo
Hindi magiging tayo, iba ang 'yong gusto
Ngunit hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo
Sana'y pakinggan mo, sigaw ng puso kong ito
Kung hindi magiging tayo, yakapin mo man lang ako
Pinipilit kang limutin ngunit 'di ko makaya
Ikaw pa rin ang siyang sinisigaw
Hindi na pala tayo, iniwan mo ako
"Hindi nga naging tayo", 'yan ang sinabi mo
Hindi magiging tayo, iba ang 'yong gusto
Ngunit hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo
"Hindi na naging tayo", 'yan ang sinabi mo
Hindi na pala tayo, umasa lang ako
Sana'y pakinggan mo, sigaw ng puso kong ito, whoa
Kung hindi magiging tayo
Hindi magiging tayo
Hindi magiging tayo, yakapin mo man lang ako

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists