Nakaupo sa may bintana Habang hinihintay ka Ganda ng langit ay pinagmamasdan Araw'y nagpapaalam na Unti-unting naglaho ang liwanag Bituin ay nagdatingan Mga mata'y nakamasid Sa nag-iisang Nakasilip na buwan Nakaupo sa may bintana Habang pinapangarap ka Pangungulila'y labis nang nadarama Sana'y magbalik na Araw at buwan ay nagbalikan na Upang ako ay bantayan Ngunit wala ka pa rin Ang tangi kong kapiling Ay ang liwanag nang nakasilip na buwan Ilang buwan na rin ang nagdaan Mula ng ika'y lumisan Saksi ang buwan ng ako'y pangakuang Magbabalik, sa pagbabalik ng liwanag ng langit Mga bitui'y kumukutitap Waring sila'y nagsasaya Ngunit katulad ko, tuwina'y nag iisa Magsumbong man sa kanya, walang magagawa Kundi ang lumuha Ilang buwan na rin ang nagdaan Mula ng ika'y lumisan Saksi ang buwan ng ako'y pangakuang Magbabalik ooh Sa pagbabalik Ng liwanag ng langit Nakaupo sa may bintana Stay Updated