Kishore Kumar Hits

MNL48 - 1!2!3!4! Yoroshiku! lyrics

Artist: MNL48

album: High Tension


1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, ako'y ibigin
Sa pinto ng puso'y kumatok ngunit dahan-dahan
1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, para sa 'kin
Sa puso'y ikaw ang susi

Kunin ang iyong gusto ('ya'y gusto ko rin)
'Wag mo lamang hintayin (na para bang hangal)
Sabi ng lahat 'yan ngunit
'Di 'yan gano'n kadali (nagtatagpong mata)
Kung aaminin (ako'y isang dalaga)
Kikimkimin na lang ang "I love you"
Kaya naman aminin, ngunit kung wala sa timing
Parang naglalaro ng luksong lubid, ang hirap pasukin
(Tunay ba, tunay ba? Yeah, yeah, yeah, yeah)
Christmas, Valentine's day at birthday
Magandang araw na makahanap ng pag-ibig
(Nasa'n ba ang Panginoon? Tulong)
1, 2, 3, 4, pakiusap, 5, 6, 7, 8, ihayag sa 'kin
Kapangyarihan ng tadhana, sige na, ibigay sa 'kin
1, 2, 3, 4, pakiusap, 5, 6, 7, 8, ngayon sana
Kapangyarihang pag-ibig
Kung ika'y pasimplehan (hmm-hmm, oo nga)
At 'di masyadong halata (kahit naasiwa)
Kausapin ko kaya siya?
Kahit na natagalan (mahabang panahon)
Sa simula'y ayos na rin (nakakainis)
Dahan-dahan, I like you
Kung 'di ka talaga mag-iingat
Baka mabighani sa ideya ng pag-ibig
At ibigin ang sariling nagmamahal
(Baka nga, baka nga, yeah, yeah, yeah, yeah)
Kapag in love ka, nagigising ka nang maaga
Kung bakit? Walang nakakaalam
(Ba't tinadhanang tayo'y magtagpo? Sabihin)
1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, ako'y ibigin
Sa pinto ng puso'y kumatok ngunit dahan-dahan
1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, para sa 'kin
Sa puso'y ikaw ang susi

Sa pag-ibig, kapag ipinaglaban, hindi nagwawagi
Pero sa hindi inaasahan, sabi nila, sisibol ito

1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, ako'y ibigin
Sa pinto ng puso'y kumatok ngunit dahan-dahan
1, 2, 3, 4, ヨロシク, 5, 6, 7, 8, para sa 'kin
Sa puso'y ikaw ang susi (sabihin)
1, 2, 3, 4, maligayang, 5, 6, 7, 8, kalooban
Sa tibok ng puso'y marahan ako sasabay
1, 2, 3, 4, maligayang, 5, 6, 7, 8, sabay sa ritmo
Tamang oras ng pag-amin

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists