Simpleng tao lang ako Laki sa kalye, tambay sa kanto But when I saw you, I said "Damn, ang hot!" May chance kaya ako? Sabi ng friend ko, "Why not?" Kaya sinearch ko ang kanyang Instagram 11k followers. Wow! Famous si Mada'am Her Insta feed is like aesthetic as fuck Habang yung akin eh mukhang basura truck Nakakaubos man ng confidence Sa kabutihang palad, her heart doesn't have a fence And so chinat ko siya, at naging close kami Makailang weeks, holding hands na lagi Oh, ang aking D.L.S.U. G.F.! Steak ang kanyang dinner trip Pero pang-kikiam lang ang aking bitbit Oh, ang aking D.L.S.U. G.F.! Starbucks coffee ang favorite Pero pang-Great Taste White lang ang aking kipkip Minsan nag-date kami sa may BGC Pero laman ng wallet ko ay 150 Pamasahe pa lang ay daling-dali na ako Tapos mag-aaya pa siya ng Wolfgang Steakhouse Pano na ba 'to Buti na lang, mahal na mahal mo ako Kasi baka noong una pa lang eh iniwan mo na ako Lalo na't nalaman mong yero ang kisame namin Pero wapakels pa rin, tuloy ang holding hands natin Oh, ang aking D.L.S.U. G.F.! Steak ang kanyang dinner trip Pero pang-kikiam lang ang aking bitbit Oh, ang aking D.L.S.U. G.F.! Starbucks coffee ang favorite Pero pang-Great Taste White lang ang aking kipkip Pero ang kwentong ito ay dati pa Bata pa kami noon at mas successful na ngayon Dahil ang D.L.S.U. G.F. ko noon Fortunately, D.L.S.U. wifey na ngayon Oh, ang aking D.L.S.U. wifey! Steak pa rin ang kanyang dinner trip Pero don't worry, now I can afford it Oh, ang aking D.L.S.U. wifey! Motto namin ang prosperity, and on the way na ang D.L.S.U. baby