Kishore Kumar Hits

KOLAR!S - Lumiere lyrics

Artist: KOLAR!S

album: Heartworm


Minsan nang nagdilim ang mundo ko
Minsan nang nadapa sa tarundon ng buhay
O mag-isang lumaban sa dahas
Hangga't nahawakan ang iyong kamay
Minsan na kong nalito
Kung kaninong puso ang iingatan ko
At nang mabihag ako ng 'yong mata
Walang dudang ikaw na nga
Ang gusto ko
Ang irog ko
Tanglaw ko ang
Liwanag mo
Tumingin sa taas nang masilayan
Ang kalawakang puno ng bituing
Nagniningning para sa iyo
Na magdadala sakin patungo sa tahanan ko
Tahanan ko ang puso mo
Minsan ko na palang naisip
Kung may maigaganda pa ba ang ating pag-ibig
Sa pag tingala sa tala
Walang ibang makita kundi ang iyong mga mata
Dahil ikaw
Ang rason
Ng pagbangon
Kada umagang
Handog ng panahon
Tumingin sa taas nang masilayan
Ang kalawakang puno ng bituing
Nagniningning para sa iyo
Na magdadala sakin patungo sa tahanan ko
Tahanan ko ang puso mo
Ramdam mo ba ang tibok ng puso
Bawat pantig ay inaalay sa iyo
O aking ilaw, wag na wag kang mawawala
Tumingin sa taas nang masilayan
Ang kalawakang puno ng bituing
Nagniningning para sa iyo
Na magdadala sakin patungo sa tahanan ko
Tumingin sa taas nang masilayan
Ang kalawakang puno ng bituing
Nagniningning para sa iyo
Na magdadala sakin patungo sa tahanan ko
Lumiere, ikaw ang tahanan ko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists