Kishore Kumar Hits

Berto - Baka Sakali lyrics

Artist: Berto

album: Baka Sakali


Nag-iisa habang tugtog ko ang gitara
Sumasabay sa himig ng musika
Nakadungaw sa aking bintana
Habang nakatingin sa buwan at tala
Init ng gabi, oh, ating damhin, baby
Ibang-iba kasi 'pag ikaw ang katabi
Ang 'yong halik at yakap na laging hanap sa tuwing nalulumbay
Ang tangi kong pangarap ay makasama ka sa habang-buhay
Halika na (halika na), sumama ka (sumama ka)
Umalis tayo sa mundong nakakapagod na
At hawakan ang aking kamay, sabay na maglalakbay
Ikaw ang susi sa aking pintuan

Ang 'yong larawan, laging nais masilayan
Kahit na malayo, 'di ka papalitan
Huwag mo 'kong subukan dahil 'di ka susukuan
Sa bawat pag-alis, ikaw ang babalikan
Ang tanging hiling, ika'y manatili sa 'kin
Lahat ay gagawin, kahit ang buwan susungkitin
Ang 'yong halik at yakap ang laging hanap sa tuwing nalulumbay
Ang tangi kong pangarap ay makasama ka sa habang-buhay
Halika na (halika na), sumama ka (sumama ka)
Umalis tayo sa mundong nakakapagod na
At hawakan ang aking kamay, sabay na maglalakbay
Ikaw ang ilaw sa aking dilim

Sa bawat ulan, ikaw ang sisilungan
Sa bawat ngiti, ikaw ang laging dahilan
Sa'n man tayo dalhin ng tadhana (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga)
Sa timog man o hilaga (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga)
Ikaw ang pipiliin
'Pagkat ako'y iyong alipin (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga)
Ako'y iyong alipin (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga)
Halika na, sumama ka
Umalis tayo sa mundong nakakapagod na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists