Sinagtala Bukang liwayway Alapaap ay namumuo Ikaw ang bungad sa umaga Ako'y babangon Sa mainit mong samyo Kasama kang masisilaw Sa liwanag na galing sa labasan Kasama kang maglalakad Dahan dahan sa liwasan Ikaw ang tala Sa kalawakan Ang liwanag na bumubuo Ikaw ang himig Sa kalangitan Sa iyong tinig ako'y nabubuo Kasama kang maglalakbay Sa mundong ating pinili Kasama kang lilipad Sa gitna ng bahaghari Musika, kape at ikaw Ang gigising sa akin Musika, kape at ikaw Ang gigising sa natutulog kong diwa