Kishore Kumar Hits

Carlos De Guia - Kahit Ganyan lyrics

Artist: Carlos De Guia

album: Dagat Luha


Hindi ko na alam kung sa'n papunta ito
Mukhang kanina pa tayo nagkakagulo
Kailangan bang sabihin ang nararamdaman?
Baka lang mapurnada pa ang nasimulan

Kanina lang ay nag-uusap nang matino
Ba't ang bilis mangyari? Ba't naging malabo?
Pinipilit naman na 'ka'y maintindihan
Ang dami mong sinabing walang kabuluhan

Ngunit kahit ganyan, sadyang mahal kita
Sa 'yo lamang ako magpapakatanga
Kaya kong maghintay
'Gang alas-siyete pa ng umaga
Hindi na iinda kahit magbago pa
Ikot ng mundo, basta sa akin ka
Ako'y magtitiis kahit naiinis
'Wag ka lang mawala
Naglalakad lang tayo, biglang sumimangot
Ang ganda ng ngiti, bakit ba bumaluktot?
Pero inintindi kahit walang dahilan
Ang pagbago ng 'yong mukhang walang basehan

Ngunit kahit ganyan, sadyang mahal kita
Sa 'yo lamang ako magpapakatanga
Kaya kong maghintay
'Gang alas-siyete pa ng umaga
Hindi na iinda kahit magbago pa
Ikot ng mundo, basta sa akin ka
Ako'y magtitiis kahit naiinis
'Wag ka lang mawala

Oh, kahit ganyan
Mamahalin kita

Nang bigla kang nakitang may kasamang iba
Kung ano'ng turing ko sa 'yo, 'yun ka naman sa kanya
Wala naman akong inantay na kapalit
Ngunit kung 'bibigay, ba't 'di sa 'kin ang balik?
Ngunit kahit ganyan, mamahalin pa ba?
Mukhang sa iba ka nagpakatanga
Lagi namang matamis kahit naiinis
Nabalewala (nabalewala)
Oh, ba't umiinda ngayong nagbago na
Ikot ng mundo? May gusto kang iba
'Di na maghihintay na bumalik ka pa
Do'n ka na sa kanya

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists