Kishore Kumar Hits

Carlos De Guia - Iwas Kilig lyrics

Artist: Carlos De Guia

album: Iwas Kilig


Palihim na kinikilig sa bawat tingin na hatid
'Di maitago ang ngiti na ginuguhit ng 'yong pisngi
Tila sa 'yo'y napakadali at para bang walang mali
Sa bawat kumpas ng kamay, ang puso ri'y sumasabay
Hindi kita sinisisi, binibini
Pero ba't ka ba ganyan? Hindi kita maiwasan
Matagal na kitang pinagmamasdan pero hindi pa rin mapantayan
Ang mga pintas at kagandahan ng 'yong katangian, oh, ang hirap naman
Kaya ngayon, ako ay natatakot dahil hindi ka rin maaabot
Pilit na lamang babawasan ang aking nararamdaman
Pero paano ba ito kung nahulog na ako sa 'yo?
Ang hirap pa naman, lalo na 'pag ika'y nasa harapan
Ang dami rin pating nakapila d'yan, sino ba ako para pagbigyan?
Oh, kapalaran, baka naman

Hindi kita sinisisi, binibini
Pinipilit ko naman, hindi pa rin maiwasan
Matagal na kitang pinagmamasdan pero hindi pa rin mapantayan
Ang mga pintas at kagandahan ng 'yong katangian, oh, ang hirap naman
Kaya ngayon, ako ay natatakot dahil hindi ka rin maaabot
Pilit na lamang babawasan ang aking nararamdaman
Hindi mo na nalaman kasi hindi naman kailangan
Gusto kita pero kilig sa 'yo'y iiwas na lang

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists