Tignan mo ang sarili Sana iyong nakikita Ang dahilan ng aking ngiti sa umaga Bigla na lang nangyari Na tinangay ako ng hangin Noong isang gabi Naglilibot At ang sarili ay natagpuan Sa iyong harapan At sa bawat saglit Nagtataka kung naiisip mo rin Kung kamay ba nating dalawa Ay tinadhanang magdikit O maglalaho na naman sa aking pagpikit Hindi naman kailangang ibalik Sa'kin ang pagtingin Kung hindi talaga nakikita ang sarili Na sa akin ay nakatabi Hindi mabilang sa daliri Kung ilang beses na inaalala Ang unang pagkakita sa iyo Marinig lamang ang boses ay agad nababaliw Kaya hinahangad na sana ito'y hindi na matigil Nakikita mo ba Na ako ang iyong kasama Ang kamay ba nating dalawa Ay tinadhanang magdikit O maglalaho na naman sa aking pagpikit Hindi naman kailangang ibalik Sa'kin ang pagtingin Kung hindi talaga nakikita ang sarili Na sa akin ay nakatabi Ang kamay ba nating dalawa Ay tinadhanang magdikit O maglalaho na naman sa aking pagpikit Hindi naman kailangang ibalik Sa'kin ang pagtingin Kung hindi talaga nakikita ang sarili Na sa akin ay nakatabi