Nahuhulog Palalim nang palalim Ang pagtingin sa'yong mga mata Na 'di alam ang sariling halaga Hindi malaman-laman Ang dahilan Kung bakit tumititig sa kawalan Paulit-ulit nagtatanong kung nasaan Mag-isang nakatayo 'San ba ulit magtatagpo Hinahanap-hanap ang init ng kamay Na dati pa humiwalay Hanggang tingin na lang sa bitwin Naging maulap ang paningin Pa'no na kita hahanapin Sa susunod na lang kita aabutin Unti-unting sumisikip Ang daanang patungo sa'yo 'Di namalayan Na mas mahal kita kaysa sarili ko Pagmamahala'y dapit hapon 'Di ba naaalala ang ating kahapon Basta-basta na lang itinapon Mag-isang nakatayo 'San ba ulit magtatagpo Hinahanap-hanap ang init ng kamay Na dati pa humiwalay Hanggang tingin na lang sa bitwin Naging maulap ang paningin Pa'no na kita hahanapin Sa susunod na lang kita aabutin