Kishore Kumar Hits

jikamarie - aking buwan lyrics

Artist: jikamarie

album: aking buwan


Ako'y pinagpala (ako'y pinagpala)
Hindi inakala (hindi inakala)
Ikaw na buwan at ako na bituin
Ay pinagtagpo sa gitna ng dilim (sa gitna)
Tila tinadhana (tila tinadhana)
Bukal ang ligaya (bukal ang ligaya)
Ang aking dasal ba ay diringgin?
Ito na nga ba ang aking hiling?
Araw-araw ay binibilang, orasan ay aking tinititigan
Hanggang dumating ang aking tanging hinihiling
Na ika'y masilayan pa nang wala ng distansya
Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang?
Kahit panandalian
Ako ay silayan
Kahit 'yon lang, aking tatanggapin
Ang kakarampot, aking lulubusin
Dito sa dilim, aking dadamhin
Ang pakiramdam ng wala ka sa 'king mga bisig
Aking pag-ibig, kailan ka ba mapapasa'kin?
Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang?
Langit, langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang?
Aking buwan
Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na, aking buwan
Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na, aking

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists