Kishore Kumar Hits

jikamarie - Kailangan ko ng… lyrics

Artist: jikamarie

album: aking buwan


Kailangan ko ng yakap
Kailangan ko ng halik sa 'king pisngi
Kailangan ko ng ugong
Ng malamig na tinig
Ilang panahon din na nagkulong
Sa 'king kuwarto at kulob na kulob
Matagal na akong nag-iintay
Na dumanas ng tunay na
Ligaya, sa'n ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga?
Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asa'n na ba?
Ako'y naiinip na

Kailangan ko ng oras
Para libutin ang daigdig
Kailangan kang makita
Kahit maubos ang aking
Natitirang panahon na nakakulong
Sa 'king kuwarto at kulob na kulob
Aanhin ko ang katahimikan
Kung wala namang magpaparamdam sa 'kin ng
Ligaya? Sa'n ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga?
Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asa'n na ba?
Ako'y naiinip na
Araw-araw na palaisipan sa 'kin
Mga ano'ng oras ba s'ya na darating?
May pag-asa bang dalangin ko'y dinggin?
Dinggin hiling na...

Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asa'n na ba? (Asa'n na ba?)
Ako'y naiinip na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists