Kishore Kumar Hits

Space-Ta - Kailan lyrics

Artist: Space-Ta

album: Pop Machine: Kailan


Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha, humahalik sa 'king pisngi
Kailan ako tatahan? (Ooh)
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib (ooh)
Nakatingin ako sa salamin (ooh)
May guhit ang noo't mapait ang ngiti
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha, humahalik sa 'king pisngi
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw, aking mahal?
Mula paggising hanggang sa pag-idlip
Kagandahan mong walang patid
Kailan mo ako hahagkan? (Ooh)
Matagal na akong naghihintay (ooh)
Nakadungaw sa bintana (ooh)
Mga dahon lang ang kumakaway
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha, humahalik sa 'king pisngi
Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa?
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw, whoa-oh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists