Kishore Kumar Hits

Jawn Tejero - Nawindang lyrics

Artist: Jawn Tejero

album: Nawindang


Bakit ayaw mong sabihin
Iyong nadarama sa akin
Mahirap bang umamin?
Kailangan bang pilitin?
Mga kislap sa 'yong mata
Unti-unting nawawala
Ating pagmamahalan
Tara na't pag-usapan
Pagka't sabi mo, 'di mo na gusto
Damdamin mo ay lumalayo
Pasensya na, aking sinta
Dahil tayo'y wala na
Nalilito
Hindi alam ang gusto mo
Pwede bang pag-usapan ang
Pag-ibig nating nawindang?
Ba't ayaw mo pa 'rin sabihin
Ang mga ayaw mo sa akin?
Eto na ba ang dulo?
'Di ba tayo natuto?
Nung una ay akala ka pa
Na tayo'y maayos pa ba
Ang ating pagmamahalan
Ba't kailangan mong lumisan?
Pagka't sabi mo, iba ang gusto
Hindi na 'ko ang hinahanap mo
Pasensya na aking sinta
Dahil ako'y wala na
Nalilito
Hindi alam ang gusto mo
Pwede bang pag-usapan ang
Pag-ibig nating nawindang?
Nalilito
'Di 'ko alam kung kaya ko
Mahirap bang ayusin ang
Pag-ibig nating nawindang?
Nalilito, yeah
Hindi alam ang gusto mo, oh-yeah
Nalilito
Hindi alam ang gusto mo
Pwede bang pag-usapan ang
Pag-ibig nating nawindang?
Nalilito
Hindi alam ang gusto mo
Pwede bang pag-usapan ang
Pag-ibig nating nawindang?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists