Palagi na dito ang tambay ko Umaga't maghapon hanggang Pasko Sa dinadaming mga araw, umulan man 'to Ang sinasabing mga ayaw, gusto ko pa rin ngayon Walang nangyayari kung wala pang gagawin Nandito parati basta 'di lang pinapansin Kaya magsaya nalang tayo, hindi naman istorbo Kung may reklamo, pakisulat, ibilin nalang ninyo Sa bawat langit, may ulap May dusa at sarap, taglay lahat Sa ating buhay Ang awit natin ay likas May hinahon at lakas, 'yan ang bigkas Ng ating buhay Sa haba ng kwento natin, ang hirap nang sundan Ang galak ng damdamin, medyo malabo lang tignan Di minamalay, aming pagod, maaga pa'y inaantok At sa paglipas, bawat araw, sa buwan na sinusuntok Kundi sa osyoso dito, kilala ko na lahat Sumobra't magkulang man, pantay-pareho siya dapat Mayrong mainit at mahangin, tahimik at palabiro Lahat na ng klaseng kaibigan, kasama lahat dito Sa bawat langit, may ulap May dusa at sarap, taglay lahat Sa ating buhay Ang awit natin ay likas May hinahon at lakas, 'yan ang bigkas Ng ating buhay Ang bawat pangalan, nakaukit sa bato Kung may mawala, alam nila kung sa'n man 'to Habang may buhay, may ligaya Pag-usapan nalang natin Bawat problema, may liwanag Kaya natin 'tong lutasin Sa bawat langit, may ulap May dusa at sarap, taglay lahat Sa ating buhay Ang awit natin ay likas May hinahon at lakas, 'yan ang bigkas Ng ating buhay Palagi na dito ang tambay ko TAMBAY SONG Composed by Johnny Alegre