Sabihin mo na kung anong pangamba sa iyo Bitiwan mo na, pasan sa balikat mo Iwaksi mo na nga kung kailangan na Hinagpis di hamak wakasan Sa kaunting salita, damdami'y lumisan na Hindi maganda kung iyan'y ikukulob pa Ganito nga ba kaya and pusong natututya Daloy ng luha, 'di matantsa Masdan mo, kalawakan, kalikasan Sandali, tag-araw, tag-ulan Kaloob ni Bathala ang pag-asa Lilipas ang hapis mong 'yan Limutin mo na, ano man ang sablay sa iyo Mas may halaga ang uri ng buhay mo Balikan mo nalang kung kailangan pa Hinagpis di hamak wakasan Balikan mo nalang kung kailangan pa Hinagpis di hamak wakasan Balikan mo nalang kung kailangan pa Hinagpis di hamak wakasan SABIHIN MO NA Composed by Johnny Alegre