'Di ka raw masyadong magaling, oh, eh, ba't sinusubukan mo pa? 'Di ka naman daw kaakit-akit, oh, eh, bakit ka nagpapaganda? Oh, hindi naman sila mauubusan ng mga ganyang salita Pero ba't hanggang ngayon ay tuloy pa ring nagpapadala? 'Di ka ba nagsasawang Makinig sa mga boses na patuloy kang binababa? 'Di ba? Alam naman natin na Ikaw ay ikaw, at ako ay ako Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo Pasok sa isang tenga, labas sa kabila 'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa Oh-oh, oh, oh, oh-oh-oh Ilang beses na ba 'to nangyari? Oh, ba't 'di ka pa nadadala? Ilang beses pa ba madadali bago magpakumbaba? Oh, kailangan ba talaga na lahat na lang ay 'yong pinupuna? Lahat tayo dito sigurado, may kanya-kanyang dinadala 'Di ka ba nagsasawang Manakit ng mga kapuwa mong wala namang ginagawa? 'Di ba? Alam naman natin na Ikaw ay ikaw, at ako ay ako Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo Pasok sa isang tenga, labas sa kabila 'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa Oh-oh, oh, oh, oh-oh-oh-oh Mas maingay ang mga walang masabing matino Gamitin mo ang boses mo para iangat ang kapuwa mo Masyado nang maraming negatibo sa mundo Hindi ba pwedeng pairalin ang puso? Mas maingay ang mga walang masabing matino Gamitin mo ang boses mo para iangat ang kapuwa mo Masyado nang maraming negatibo sa mundo Hindi ba pwedeng pairalin ang puso? Dahil ikaw ay ikaw, at ako ay ako Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo Pasok sa isang tenga, labas sa kabila 'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa Oh-oh, oh, oh, oh-oh-oh-whoa-whoa Ikaw ay ikaw, at ako ay ako Pantay-pantay lang tayong nilagay sa mundo Kung wala kang nakikitang kabutihan sa kanila Mas mabuti pang sa 'yo na nga magsimula