Kishore Kumar Hits

Issa Rodriguez - Misteryoso lyrics

Artist: Issa Rodriguez

album: Misteryoso - Single


No'ng una kang makita, biglang natulala
At para bang nabihag ng iyong mga mata
Gusto nang makilala pero biglang nawawala
At makikita sa isang sulok nag-iisa
Ewan ko ba sa'yo
Bakit ba nagkakaganito
Oh-ho-woah
Kaya tingin naman sa akin
Baka sakaling mapansin mo rin ang aking damdamin
Kahit pa walang sabihin at pabalik-balik sa'kin
Iisa lamang ang aking hinihiling
Ang makilala ka sa likod
Ng pagkamisteryoso

At 'pag nagkakausap, napapatitig sa matang kumikislap
Parang mga bituin na nakatago lang sa mga ulap
Parang isang nobela
Ano kayang susunod na kabanata
Tingin naman sa akin
Baka sakaling mapansin mo rin ang aking damdamin
Kahit pa walang sabihin at pabalik-balik sa'kin
Iisa lamang ang aking hinihiling
Ang makilala ka sa likod
Ng pagkamisteryoso
Pa-pa-ra-ba-ru-pa-pa ru-ba-ru-ba-ru-ra-ta oh
Pa-pa-ra-pa-ra ru-ba-ru-ba-ru ra-ta-ta oh
Kay raming katanugan ang nasa aking isip
Ngunit 'pag nariyan ka na, para akong nasa panaginip lang
'Di mapigilan itong aking damdamin
Nahuhulog sa iyo sa tuwing wala kang sasabihin at sa
Inaakala na ika'y nakikilala lang
Bigla nalang pagkatao mo'y nag-iiba
'Di mapigilan itong aking nararamdaman
Nahuhulog sa iyo sa tuwing nasusulyapan

Kaya tingin naman sa akin
Baka sakaling mapansin mo rin ang aking damdamin
Kahit pa walang sabihin at pabalik-balik sa'kin
Iisa lamang ang aking hinihiling
Ang makilala ka sa likod ng mga
Tingin naman sa akin
Baka sakaling mapansin mo rin ang aking damdamin
Kahit pa walang sabihin at pabalik-balik sa'kin
Iisa lamang ang aking hinihiling
Ang makilala ka sa likod
Ng pagkamisteryoso

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists