Say what? 'Been there, done that Say what? Deretso lang sa paghakbang (deretso lang) Madilim man ang daraanan (ok lang), makakamit mo rin yan Sige lang deretso lang, bitbit ang 'yong dahilan Dumadating talaga sa buhay natin Ang mga desisyon na umaabot pa sa puntong 'Di mo na alam ang gagawin Itigil ko na lang kaya, kasi parang wala naman akong napapala Iniiyak ko sa dasal parang balewala Habang tumatagal ay lalo lang silang natatawa Ano ka ba? Itigil mo na yan, 'di ka naman para diyan Tama ng kahibangan, huwag kang umasa na maging kagaya niya Kasi malaki ang kaibahan Oo nga no, siguro hindi ako para dito Parang tama ka sa iyong sinasabi Parang tama na siguro itong biyahe Sayang lang ang pamasahe Pero, teka muna, hindi mo kailangan makinig Sa salitang nagpapalanta sa puso mo na Ikaw dapat ang nagdidilig Lakasan mo ang loob Lumabas ka sa kahon na nakakapanghina Kesa mawalan ng pag-asa, bumalik ka sa panahong Nagkaron ng rason dahilan ng hindi mo pagpila Deretso lang sa paghakbang (deretso lang) Madilim man ang daraanan (ok lang) Makakamit mo rin yan Sige lang deretso lang, bitbit ang 'yong dahilan Hindi naman masamang makinig Sa sinasabi ng iba pero dapat kang mag-isip Lalo kung alam mo na tagilid Pag-atras mo lang ang tinutulak ng bibig Sige pakinggan mo rin, pero pag negatibo Dapat ay palabasin, parang tubig sa dagat Na pumasok sa tenga mo kasi sa paglangoy ay hindi ka magaling Hindi mo kelangan magpatangay, sa alon sumabay Sa hamon ng buhay kung umaray ka ngayon Bukas bumangon, umahon damahin ang araw Yakapin ang gumagabay, hanapin ang nawawala mong dahilan Baka nakalimutan mo lang kung san mo nailagay Yung dahilan para magpatuloy ka lamang sa iyong paglalakbay Pero, teka muna, hindi mo kailangang makinig Sa salitang nagpapalanta sa puso mo na Ikaw dapat ang nagdidilig Lakasan mo ang loob Lumabas ka sa kahon na nakakapanghina Kesa mawalan ng pag-asa, bumalik ka sa panahong Nagkaron ng rason dahilan ng hindi mo pagpila Deretso lang sa paghakbang (deretso lang) Madilim man ang daraanan (ok lang) Makakamit mo rin yan Sige lang deretso lang, bitbit ang 'yong dahilan Deretso lang sa paghakbang (deretso lang) Madilim man ang daraanan (ok lang) Makakamit mo rin yan Sige lang deretso lang, bitbit ang 'yong dahilan Dahilan, deretso lang Say what? 'Been there, done that Say what? END