Dyaryo't kape sa umaga Ano ang tsismis? Sino'ng nag-asawa? Parang konsiyerto ang mga huni ng ibon Sumasabay sa ingay ng TV nang naka-on Novena't kandila, nakapatong sa altar Tanong ng aking ina, "Ba't 'di ka na nagdarasal?" Hindi niya alam na ikaw ang nasa isip At dahil nga sa iyo ako'y natutong manalangin muli Espesyal ang turing ko sa iyo Mahalaga ka sa aking puso Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay Trapik at init sa highway na masikip Saligutgot, t-shirt ko'y basa't gusot Sa gitna ng prusisyon ng mga bus at jeepney Ikaw pa rin ang nasa isip Ikaw ang aking naiisip Espesyal ang turing ko sa iyo (espesyal) Mahalaga ka sa aking puso (mahalaga) Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay ♪ Beer at pulutan, nakatambay sa gimikan Mga kwento ng barkada, hindi ko maintindihan Nakatitig lang ako sa aking telepono Hangad ko sana'y okay ka at iniisip din ako Espesyal ang turing ko sa iyo (espesyal) Mahalaga ka sa aking puso (mahalaga) Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay Oh-hooh, oh-hoh