Kishore Kumar Hits

Angelo Garcia - Dahil Mahal Kita lyrics

Artist: Angelo Garcia

album: Dahil Mahal Kita


Pagkakaibigan, d'yan natin sinimulan
Ang 'storya nating dalawa, ah-ah
Maghapong kulitan, lumipas ang oras at araw
Na kasama ka, ah-ah-ah
'Di ko namalayang sa bawat sulyap
Sa 'yong mata'y kakaiba, oh-oh-oh
'Di ko napigilan ang sariling
Mahulog sa 'yo, oh-oh-oh
Pero kahit gusto kita
Nag-aalinlangan ang puso kong ito
Itutuloy ba? Aatras ba?
O baka masaktan lamang ang puso ko, sinta?
At kahit gusto kita, walang lakas ng loob
'Wag na lang muna

Pinilit itago ang aking nararamdaman
Para sa 'yo, oh-oh-oh
Ngunit parang nagbago ang ihip ng hangin
At parang gusto mo rin ako, oh-oh-oh
Hinawakan ang kamay, laging magkaakbay
Sa tuwing tayo'y magkasama
Ngiti mo'y walang sablay, sana'y ikaw na nga
Sana'y ito na ang pagkakataon ko
At dahil mahal kita
Handa akong ibigay lahat ng nais mo
Lalanguyin, liliparin
Walang imposible basta't para lang sa iyo, sinta
At dahil mahal kita, ako'y susugal na
Oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh
Bakit kung kailan buo na ang lakas ng loob
Saka hindi ayon ang mundo?
Kung kailan mahal na kita
Saka ka nagmahal ng iba
May tanong ako sa 'yo, pwede ba?
Bakit 'pinaramdam kung wala naman talaga?
Pwede bang sabihin na lang?
Bakit 'pinaramdam kung hanggang kaibigan lang?
At dahil mahal kita
Handa akong ibigay lahat ng nais mo kahit nasasaktan ako
Iindahin, titiisin
Huwag ka lang mawala sa aking piling, sinta
At dahil mahal kita
Do'n ako kung sa'n ka sasaya, whoa-oh-oh, whoa
Kung sa'n ka man sasaya
Kahit sa piling man ng iba

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists