Kishore Kumar Hits

Dilaw - Sansinukob lyrics

Artist: Dilaw

album: Sansinukob


Madilim ang salamin
Nagtatago'ng mga bituin
Sa likod ng ulap, at 'di ko maamin
Nakasimangot ang buwan
Sumisinag, maliwanag
Tila bakit 'di ko ramdam?
'Di ko maintindihan
Sana'y nakikita ng 'yong mata, sinta
Kung sa'n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko

Pundido na ang sikat ng araw
Nakakabulag sa paningin
Nananatiling takip-silim
Naghihintay sa langit
Mga hiling, 'di na tanaw
Bilang na ba'ng mga bulalakaw?
'Di ko maintindihan
Sana'y nakikita ng 'yong mata, sinta
Kung sa'n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko
Sana'y naririnig mula sa daigdig
Langit ba talaga ang siyang magpapasiya?

Sansinukob, sa'n susuko?
Sansinukob, sa'n susuko?
Ang bawat apak at bakas
Mga tinahak na landas
Lumihis ba ang daan
O sadyang 'di lang 'tinadhana?
Ang bawat apak at bakas (sansinukob)
Mga tinahak na landas (sa'n susuko?)
Lumihis ba ang daan (sansinukob)
O sadyang 'di lang 'tinadhana?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists