Kahit nakapikit mata, naririnig kita Kahit nakatakip tainga, nakikita kita Hindi ako perpekto katulad ng iba Pero kahit naka-, hmm Pinapaikot ng mga lumot, 'yung mga utak kinukurakot 'Pag 'di ka natakot, ika'y isasapot, gobyerno ang surot, bansa ating kumot Puro dada, 'la sa gawa, sige, ngiti, 'di nakakatuwa Mga puro pangako, lahat butata, ubos na pasensiya naming madla Kumakalam na 'yung mga sikmura, biglang papasok oportunista Kakalimutan ka para sa pera, pakikisama, 'yan ang binebenta Dederetso ka pa ba sa ating liko-likong sistema O sasama ka sa akin puksain ang epidemya? Na lumaganap, nagpahirap sa mahirap Tumatapos ng pangarap, 'di na mahagilap 'yung mga ulap Habang tayo'y naghihirap, sila, sige sa pagkalap na-na-na-na-na-na-ng yaman Na dapat panglingap sa ating mahihirap 'Di ko nilalahat Hindi lahat nagkakalat Sa dami ng hayop sa gubat Alam ko, hindi lahat nangangagat Silipin mo sa daksipat, makikita, sino'ng tapat Hindi sapat ang 'yong mata 'pagkat hindi ka pa mulat Kahit nakapikit mata, naririnig kita Kahit nakatakip tainga, nakikita kita Hindi ako perpekto katulad ng iba Pero kahit nakapikit mata, naririnig kita