'Di mo kailangang pakinggan ito ngayon Gusto ko lang mag-iwan ng mensahe para sa 'yo ♪ Pag-uusap natin kahapon ay importante sa akin Ilang buwan kong plinano at hindi ko alam kung paano sasabihin Na ilang taon na 'ko nasasaktan At ikaw ay nasaktan ko rin 'Di ko alam kung saan lulugar May natitira pa bang pagmamahal para sa akin? Magaan sa pakiramdam nung nakausap ka Kahit medyo kinakabahan Akala ko ako'y luluha Ngunit dahil nariyan ka Ako ay masaya Dumaloy patungo sa 'ting nakaraan ('Di ako handa!) Mabilis ang tibok ng puso ko (ng puso ko) Natatakot na ikaw ay biglang mawala Para sa 'kin, bukas pa ba ang pinto ng puso mo? Para sa 'kin, bukas pa ba ang pinto? ♪ Malinaw na sa akin ang mga pangyayari Naintindihan ko kung saan ako nagkamali Kaya salamat sa oras Sa pagmamahal Sa pagiging kaibigan ♪ Mamahalin ko ang sarili ko tulad ng pagmamahal ko sa 'yo Mamahalin ko ang sarili ko tulad ng pagmamahal ko sa 'yo Mamahalin ko ang sarili ko tulad ng pagmamahal ko sa 'yo Mamahalin ko ang sarili ko ♪ "I hope that you're getting good rest Good luck with school Have fun and make ingat later! I wish you all the best Always rooting for you Thank you for the talk No more reason to run I guess I'll catch you later! Let me know when you're free I'll aya you if you want"