Hindi niya alam kung gaano siya kaganda Kulot na buhok ay pilit pinaplantsa Koloreteng pula, damit na agaw-tingin Ngiting umaabot hanggang sa bituin Dinig ko ang kanyang tawa At dama ang kaniyang suporta Rosas na pabango'y nahahagip pa Delia, kung nasaan ka man Dinggin ang aking awit, mithiin Delia, aking sinisigaw Na wala nang nais pa kung 'di mayakap ka Mayakap, masayaw, wala nang nais pa Araw-araw kong hihingin Sa aking mga panalangin Na kasiyahan mo'y nasa iyo na rin Gusto ko lang na sabihin "Gandang loob 'di lilimutin" Iyong pangalan kay gaan marinig Delia, kung nasaan ka man Dinggin ang aking awit, mithiin Delia, aking sinisigaw Na wala nang nais pa kung 'di mayakap ka Mayakap, masayaw, wala nang nais pa