Mga kamay na binalot sa likod mo Sa pagpatong ng ulo sa balikat mo Alam kong nakauwi na 'ko Halo-halong emosyon na pinapakita Muling pagkikita ng dalwang kaluluwa Alam kong nakauwi na 'ko Umiinit at nasusunog lalo Lumalakas, kahit hangin 'di makakatalo Alam kong nakauwi na 'ko Sa tuwing uuwi ako sa yakap mo Pagsalubong mo'y sapat na, buhay na 'ko Kailan kaya ulit ako uuwi? Dahan-dahang, paghaplos ng iyong mga kamay Daig ang dagat sa lalim ng usapan Alam kong nakauwi na 'ko Ang iyong tawang dahilan din ng aking pagtawa Ramdam ang iyong ngiti sa aking paghalik Alam kong nakauwi na 'ko Ang letratong kuha ng aking mga mata Nakabaon na dito sa 'king puso at sa 'king memorya Alam kong nakauwi na 'ko Sa tuwing uuwi ako sa yakap mo Pagsalubong mo'y sapat na, buhay na 'ko Kailan kaya ulit ako uuwi?