Paano na ang bukas na ating tutuklasin? Magkasamang pinlano, mag-isang haharapin Mga pangako na napako, ano ang gagawin Kung ikaw nama'y wala na rin? Paano na ang bukas na ating ilalahad? Sabay tayong nangarap, umasang lumipad Ano ang tatahakin? Sa'n ako mapapadpad Kung 'di mo na ako hinahangad? Babangon at gigising akong nag-iisa Sa tuwing bumabagyo, ang yayakapin ko'y wala Akala ko, ikaw na ang kasamang tatanda Paano na ang bukas kung ngayon wala ka na? ♪ Kung nasa'n ka man, sana ikaw ay masaya Kung ang ulan bumuhos, 'wag sanang mabasa Patuloy mong tahakin, landas nating 'tinakda Kahit 'di na ako ang kasangga Babangon at gigising akong nagtataka Kung bakit ganito at 'di na nagugunita Kabanata natin, ako na lang magpipinta Paano na ang bukas kung ngayon wala ka na? Paano na ang bukas kung ngayon wala ka na?