Unti-unting nawawala Ang init nating dalawa Nanlalamig, nangagamba Wala ng ngiti sa mata Mga yakap hinahanap Ngunit 'di madama Mga titig sa akin Tila nais ibaling sa iba Ligayang nais ba ay nasa akin pa? Unti-unting pumapalya Ang langit nating dalawa Bukas ba'y andyan ka pa? O pagmulat naglaho ka na Pinangarap ka sa bawat bituing bumaba Ngunit 'di ko inakalang hiniling ka na rin ng iba Ligayang nais ba ay nasa akin pa? Pa'no na? Talo na ba? O may tayo pa ba? O may babalikan ka pa ba? Kuntento pa ba O may kuwento ka na rin sa iba Unti-unting nag-iiba Alam ko na ayaw mo na Kabanata natin Tapusin na Simulan mong muli Sa iba Sa iba Sa iba