Hay, naku, ba't gan'to?
Ikaw na naman laman ng isip ko
Tumatakbo, nanggugulo
Umaabot pa sa panaginip ko
♪
Ang puso ko ay tumatahimik na
Naghihilom na ngunit ngayon nariyan ka
Nagbabalik, nasasabik ako
Kahit ayoko na
Sabihin mo, kamusta ka? Oh, kay tagal na natin na
Hindi nag-usap, bakit ba umalis na lang bigla?
Ngayon, magpapakita ka na parang 'di ka nawala
Pag-ibig ko'y naglaho na, oh, wala nang natira
Teka, baka mayro'n pa, teka, mayro'n nga
Oh, Diyos ko, Diyos ko
Paano ko ba lalabanan 'to?
Kung siya pa rin, siya pa rin
Ang sinisigaw ng puso ko
♪
Buong akala ko ay nalimot na
Alaalang ayaw nang kilalanin pa
Ngunit nagbabalik, nasasabik ako
Kahit ayoko na
Sabihin mo, kamusta ka? Oh, kay tagal na natin na
Hindi nag-usap, bakit ba umalis na lang bigla?
Ngayon, magpapakita ka na parang 'di ka nawala
Pag-ibig ko'y naglaho na, oh, wala nang natira
Teka, baka mayro'n pa, teka, mayro'n nga, oh
♪
Sabihin mo, bakit nandirito ka?
Kung sasaktan ulit ay sabihin na
Nagbabalik, nasasabik
Kahit masakit, sige na nga
Sabihin mo, kamusta ka? Oh, kay tagal na natin na
Hindi nag-usap, bakit ba umalis na lang bigla?
Ngayon, magpapakita ka na parang 'di ka nawala
Pag-ibig ko'y nandito pa, ikaw pa rin, walang iba
Dalawang tao'y lumipas na, huwag na sanang iwan pa
Kahit 'di na tama na ibigin ka, sige, bahala na
Mahalaga, mahal pa rin kita
Dahil mayro'n pa
Поcмотреть все песни артиста