Sa pagsapit ng gabi Na wala sa 'yong tabi At tanging buwan lang ang saksi Walang umiintindi Ay 'wag kang mangamba Awit ko'y kasama Tahan na, problema'y hayaang Mawala na muna Ipikit ang mga mata Luha'y pawiin mo na Magpahinga nang bukas, ikaw ay handa Matulog na, aking sinta ♪ Sa pagsapit ng gabi Mga tala'y nakakubli Awit ko ang magsilbi Na ilaw sa 'yong tabi Tahimik at payapa na Wala nang hahadlang pa Sa gulo, ikaw ay malayo na 'Di na maaabala Ipikit ang mga mata Luha'y pawiin mo na Magpahinga nang bukas, ikaw ay handa Matulog na, aking sinta ♪ Lumalapit mga awit Lumalalim mga bakit Lumalagi sa 'king isip Lumalawig mga himig ko Para sa 'yo (para sa 'yo) Para sa 'yo Araw ay sisikat din Bagong bukas haharapin Magpahinga at bukas, lalaban pa rin ♪ Baon ang pag-asa natin