Kishore Kumar Hits

Yes My Love - Gusto Ko Nang Bumitaw lyrics

Artist: Yes My Love

album: Gusto Ko Nang Bumitaw


Umiiyak gabi-gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan, talo na, pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?
Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw, nalilito, ano nga ba ako sa'yo?
Sino nga ba ako sa'yo? (Sino nga ba ako sa'yo?)
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang-kasing lungkot, walang-kasing sakit
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Kung kalungkutan ko'ng kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo
Paano na ako? Magpaparaya ba?
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob?
Pinanghihinaan na ng loob
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig (Wala namang nakikinig)
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli, ohh-ooh-woah
Ooh-woah-oh, ooh-woah-oh, oh, ohh-ooh-woah, oh
Gusto ko nang bumitaw (Bitaw)
Ngunit ayaw pa ng puso (Oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw (May pag-asa pa siguro)
Gusto ko nang bumitaw (Bumitaw)
Bumitaw (Bumitaw), bumitaw (Ohh)
Gusto ko nang bumitaw (Oh-ooh)
Pipiliin ko na'ng sarili
Bibitaw, bibitaw na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists