Kishore Kumar Hits

Josue - mithi lyrics

Artist: Josue

album: ALAS DOS


Ano na, Joshua? 'La ka nang usad
Ayaw mo na ba? Nananatiling nakagapos
Sa kanilang mga imahinasyong
Pagkatao mo'ng pinapantasiya
Na hindi naman akma sa minimithi mong
Mga pangarap na nilangaw na at napabayaan
Oh, 'wag mo nang hayaang iba'ng may gumawa
Ng iyong hinaharap dahil buhay mo'y ikaw ang may akda
Pero pa'no ko gagawin? Mga mata na nakatingin
Iba'ng kanilang palalabasin kaysa sa panoorin
Mamasamain ang mga gawain, dapat na balewalain
Dapat wala ka nang pakialam, pagtuunan mo na lang ng pansin
Kung ano man ang 'yong hangarin, 'yaan mo na lang sila na magalit
'Lang inapakan, siya ang papalarin, kapayapaan, do'n ka mamalagi
Mawawawala rin ang kabang nasa damdamin, mga pasanin
Mga pasakit na 'yong dadalhin kaya sa sarili'y 'wag tanggalin ang pagmamalasakit, uh
Tama naman ang binanggit mo sa 'kin na mantra
Pilit kong isasabuhay, 'yong mga lektura
May mga parte lamang ako na 'di nakuha
Ang ingay kasi sa labas, pinto ko naman ay nakasara
Teka lang muna
Ako'y napaisip kung nakandado ba
Bakit mga boses nila'y lalong lumala?
Beat sa 'king tenga, sila ba ay nakapasok na?
Ako lamang ang may susi dito sa tahanan
Sino ang magtatangkang ako'y manakawan?
Ngayong ala-una y medya ng umaga
Dali-dali akong lumabas ng kuwarto
Nang makita kong wala namang tao
Ako lang mag-isa
Mga tunog ay malinaw na
Tumigil ka, sino ka ba
Para sabihan ako na mahina?
'Di ka masyadong marinig kanina
Sa'n galing balita?
Mag-usap pa nga tayo dito, halika
'Wag kang mahiya, 'wag mo 'ko talikuran
Boses mo'y humina, 'wag mo 'ko iwasan
Kailangan kita nang maliwanagan
Baka kilala mo 'ko nang lubusan
Parang pamilyar 'yung aking napakinggan
'Di ba, dati pa, ako'y 'yong pinaringgan
Ng mga salitang aking pinanghihinaan?
"Diyan ka lang, diyan ka lang"
Pa'no ko ba 'to malalampasan?
Kung sa tuwing kausap ko siya ay 'yong sasabatan
Ang daming katanungan na kailangan mong sagutan
Sabi niya, "Saka na lang 'pag 'yung isa'y nandiyan"

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists