Kishore Kumar Hits

Josue - layag lyrics

Artist: Josue

album: layag


'To na ang simula ng aking pangarap
Aking bibig ay hindi na mangangalay sa pagrarap
'Yoko na rin mag-panggap
'Yoko na rin makipaglokohan 'dun sa nasa harap ng salamin
Siya ang tanging kasangga
Di mo pu-pwedeng sabihin na di ito para sakin
Musika lamang dahilan kung ba't nagpatuloy pa rin
'To lang ang aking kailangan bukod sa lapis at papel
Bibig ko mag-mimistulang baril,
Humanda na 'to nang pagkalabit
Bang!
Akin nang napihit 'tong gatilyo
Wag nang magtangkang hanapin yung dating ako
Di ka papalarin kahit pa anino
Takot na lumamon saking pagkatao ay imbalido
At dang balasik ko, harang ay sino
'To ay sugal parang nag-casino
Di man tanghaling pinakamagaling
Palag-palag pa rin kahit na kanino
Dami ng gustong sabihin
Tagal ng panahong nabitin
Dami ng tulang nakasilid saking utak
Teka, bakit parang may mali
Mga bara na nayari, di ko namalayan na naging rehas
Na hinihimas ng aking sarili
Patindi ng patindi populasyon ng talata saking isip
Na mahilig mag-gala parang may binti
Tumutungo lagi sa lugar na madilim
Pero natutunan ko na kung pano mag-pigil
Paminsan na rin akong naging makitid
Gayunpaman walang bisa ang mag-sisi
Naging mulat, di na makatulog kahit pa na hindi naman naka-sindi
Apoy lalabas sa bibig, nag-iinit
Para nang dragong nagising sa paghilik
Ika'y gumilid at makinig nang marinig
Ang mahigpit na pag-pitik ko sa beat,
Medyo mahilig 'to sa pilsen
Di namumutla pero nawaring may sakit din
Kada bitiw sinisisiw
Panaginip darating din ito sakin yeah
Sabi ko naman sayo diba
Di ako isa sa mga nila-lang nila
Mga kaisipan ata'y natanikala
Sa ating mundong malawak ay inakala
Kalayaan nandyan, isa 'yang himala
Kamalayan saan nga ba 'to idinala
Di tayo magkapareho ng karera
Kaya takbo ng utak ko'y iba
Baliwalain mga walang bilib
Ang nagtiwala sakin, ako lang
Babaliktarin direksyon ng agwaheng
Madalas ay nakasalungat
Lalakbayin dagat gamit ang bangkang walang laman, sarili lang
Upang hanapin ang nawawalang kaluluwang naiwanan na sa nakaraan
Tuloy-tuloy lang, walang atrasan kahit empleyado pa kinabukasan
Walang palusot at dahilan hanggang sa ito nang pagkakitaan
Walang makitang rason para ayawan kinahiligan
Di to hibang, baliw lang kapag mikropono ang nahawakan
Hindi man mapalad, di ko pa rin kayang mabitawan
Kay laking ambiyson na hinahangad

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists