Kay dami na nating pinagsamahan Kay dami nang pagsubok ang nalagpasan 'Di tayo natinag at ngayo'y narito pa 'Sing tatag ng puno sa gitna ng sigwa Hinarap natin ang bawat hamon Ang tag-ulan at tag-araw ng bawat panahon Ngayon ang pintig ng ating puso'y iisa 'Di kailanman susuko at 'di mawawala Kahit saan, kahit kailan Sa atin ay walang iwanan Kung ang puso ay nalulumbay Sasamahan ka, maging habang-buhay Umabot man tayo ng sampung dekada Aawit pa rin at maggigitara Kahit na mangangapa sa tono at letra Pasintabi na lang po 'pagkat ako'y tumatanda Umihip man nang umihip ang hanging amihan 'Di maglalaho ang pinagsamahan Umikot man nang umikot ang kapalaran May awit at alaalang maiiwan Ngunit mahaba-haba pa ang ating biyahe Marami pa sa daan ang mangyayari Basta't 'wag bibitiw, magtiwala sa isa't isa May bunga ring biyaya ang mga pagtitiyaga Kahit saan, kahit kailan Sa atin ay walang iwanan Kung ang puso ay nalulumbay Sasamahan ka, maging habang-buhay Kahit saan, kahit kailan Sa atin ay walang iwanan Kung ang puso ay nalulumbay Sasamahan ka, maging habang-buhay Maging habang-buhay (maging habang-buhay) Maging habang-buhay