Kishore Kumar Hits

Noel Cabangon - O Bayan Ng Diyos lyrics

Artist: Noel Cabangon

album: Sa'Yo Lamang: Papuri At Inspirasyon


Oh, bayan ng Diyos
Itaas ang kamay at magdiwang
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan
Purihin ang Diyos na buhay
Tayo'y kanyang mahal
Inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig n'ya'y kay lalim, kay saya

Oh, bayan ng Diyos
Itaas ang kamay at magdiwang
Liwanag ng Diyos, nagpawi ng kadiliman
Pangungulila't lungkot, huwag nang mag-alala
Puso nating aba, nilikha n'yang tahanan n'ya
Pag-ibig n'ya'y kay lalim, kay saya
Kung sarili n'yang anak pinagkaisa n'ya
Sa sisinghap-singhap na bayan nating makasarili, makasalanan
'Wag nang mag-alinlangan pang tayo'y kanyang sasamahan
Kailanma'y 'di tayo iiwan
Kailanma'y 'di tayo iiwan
Oh, bayan ng Diyos
Itaas ang kamay at magdiwang
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan
Purihin ang Diyos na buhay
Tayo'y kanyang mahal
Inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig n'ya'y kay lalim, kay saya
Oh, bayan ng Diyos
Itaas ang kamay at magsayaw
Liwanag ng Diyos, nagpawi ng kadiliman
Pangungulila't lungkot, huwag nang mag-alala
Puso nating aba, nilikha n'yang tahanan n'ya
Pag-ibig n'ya'y kay lalim
Pag-ibig n'ya'y kay lalim
Pag-ibig n'ya'y kay lalim
Kay lalim, kay sigla

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists