Bayan, hawak mo sa iyong mga kamay Ang kinabukasan ng ating bansa Bayan ko, bukas ay gamitin mo Ang iyong lakas sa tamang pagpapasya Para sa mga mahihina Para sa may kapansanan Para sa mga kapus-palad Para sa mga mahihirap Para sa mga manggagawa Mangingisda at magsasaka Para sa mga nakatatanda Para sa mga bata Para sa 'ting kinabukasan Para sa inang pilipinas Bayan, nasa iyong mga kamay Ang tunay na kapangyarihan Bayan ko, bukas ay ipakita mo Ang tinig ng mamamayan Para sa mga kabataan Para sa mga kababaihan Para sa nagsusumikap Para sa mga naglalayag Para sa mga relihiyoso Mga muslim at kristiyano Para sa mga katutubo Para sa mga guro Para sa 'ting kinabukasan Para sa inang pilipinas Dapat nang baguhin ang kailangang baguhin 'Wag nang ibenta ang kinabukasan natin Isipin mong mabuti na ang konting kikitain Ay bukas at buhay ang nakataya Walang mangyayari kung paulit-ulit Dapat tayo'y mag-isip at 'wag papagamit Isipin ang ikabubuti ng nakararami Para sa susunod na mga salinlahi Dapat nang magkaisa at manindigan Paglibi ng pag-asa sa ating puso at isipan Sama-samang tahakin ang tuwid na landas Itayo ang isang bayan na may pusong wagas Para sa kaligtasan Para sa kapayapaan Para sa katarungan Para sa kaunlaran Para sa kalayaan Para sa 'ting kasarinlan Para sa pagkakaisa Para sa inang bayan Para sa kinabukasan Para sa inang pilipinas Inang pilipinas Inang pilipinas Inang pilipinas