Nais kong mabuhay sa isang panahon Kagampan ang langit at lupa'y sagana Sa isang panahong sugat ay bulaklak Nating pipitasin sa dibdib na wagas May buhay ang awit may pintig ang tula Nais kong mabuhay sa isang panahon May puso ang lahat ng mga pangarap Sa isang panahong ang mga hiraya Ay magbibinhi rin lupang may pagas May punong malapay ang diwa'y malaya Halina kapatid asawa kasama Saluhan mo ako sa pananaginip Ng isang panahong wala ng ligalig Ng isang panahong dalisay ang hangin Lamparang langit at lupa'y tahimik Nais kong mabuhay sa isang panahong May handog na supling ang pakikibaka Sampagita'y kwintas sa dulo ng digma Liliw ang pulbura bala ang musika Magiting ang pusod ng ating hininga Halina kapatid asawa kasama Saluhan mo ako sa pananaginip Ng isang panahong wala ng ligalig Ng isang panahong dalisay ang hangin Lamparang langit at lupa'y tahimik Tayo ng mabuhay sa isang panahong May handog na supling ang pakikibaka Sampagita'y kwintas sa dulo ng digma Liliw ang pulbura bala ang musika Magiting ang pusod ng ating hininga