Nag iisa sa isang sulok Nag iisip ng malalim Para bang may problemang di maunawaan Paikot ikot ang isipan At di mapakali sa upuan Mga tao'y pinagmamasdan Tila ibig nitong lapitan Humihingi ng saklolo ang kanyang kalooban Humihiyaw sa galit ang loob niyang nagngingitngit Katatanggal lang sa trabaho sumasakit ang kanyang ulo Pano na lang ang kinabukasan walang kitang pagsasaluhan Han hahahan Nakaupo sa may kanto Nakatingin sa malayo Tila walang pinagmamasdan Nakatitig lang sa kawalan Humihithit ng sigarilyo Ang usok ay di humihinto Umiiling iling ng kanyang ulo Buhay di mawari di matanto Tinatanong nya ang kanyang sarili Sarili ay sinisisi Nakaistambay sa maghapon Nagdaan na naman ang panahon Matatapos na naman ang araw Kahihintay ng bulalakaw Matapos ng magsigarilyo Lilisanin na rin ang kanto Wohooho Sari saring mga larawan Puno ng kwento kung pagmamasdan Iba't ibang mga problema Iba't ibang bigat ang dala Mga larawan ng buhay buhay Larawan ng paligid nating makulay Naglalakad sa may kalsada Dala dala ang buong pamilya Buong bahay nasa kariton Walang tiyak na direksyon Kinakatok ang mga bintana Ng mga kotseng nakaparada Maiitim na palad ay sinasahod Habang kalong ang anak na tulog Sinusumpa ng ale ang naging buhay nya sa kalye Ngunit tila tanggap sa sarili ang kapalarang Di man nya pinili Umaasam na may tutulong upang sa kalalagya'y makaahon Ngunit sarado na ang bintana ng kotse Nanahimik ng patuloy na lang ang pobre Sari saring mga larawan Puno ng kwento kung pagmamasdan Iba't ibang mga problema Iba't ibang bigat ang dala Mga larawan ng buhay buhay Larawan ng paligid nating makulay Mga paang naglalakad nagmamadali mabagal makupad Mga magkahawak na mga kamay Mga taong magkaakbay nakahubad nakatsinelas Nakasapatos butas ang medyas Nag aaway na magkapit bahay mga damit na nakasampay Mayayaman mahihirap pulitiko pulis mandurugas Maiingay mabaho mausok mga basurang nabubulok Nagtataasang mga gusali mga tirahan sa pusali