Ang buhay nga naman, 'di mo maintindihan 'Di mo alam kung saan ang hangganan Ang buhay ng tao, sadyang misteryoso 'Di mo alam kung kailan ang katapusan Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan ♪ Ang buhay nga naman, kay lalim ng kahulugan 'Di mo alam kung ano ang kapalaran Ang buhay ng tao sa ibabaw ng mundo 'Di mo batid kung ano ang iyong daratnan Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan ♪ Ang buhay ng tao sa ibabaw ng mundo Paikot-ikot at sadyang mapaglaro Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan