Mabuti pa ang kumot mo, kasama 'pag gabi Mabuti pa ang unan mo, kayakap sa tabi Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama At sa pagtulog, wala nang iba 'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa Maari lang naman ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo Mabuti pa ang panyo mo, may dampi ng 'yong pisngi At sa tuwing kausap kay laging nakangiti Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala At sa pagtulog wala nang iba 'Yan ba nama'y malilimutan ko pa Maari lang naman ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin ♪ Maari lang naman ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik Naiinggit ang labi kong laging nananabik Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala Tuwing umaga, wala nang iba 'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa Maari lang naman ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo Maari lang naman ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo