Darating din ang bukas Sisikat din ang araw sa kalangitan Hahawiin ng liwanag ang mga ulap, mga agam-agam at mga alinlangan Babalik din ang dating sigla Uusbong din ang mga binhing ipinunla Manunumbalik ang mga ngiti at saya At mapapawi ang kawalang nadarama May pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin May pag-asang darating hatid ng bahaghari May pag-asang darating; kasama mo ako sa mga paghamon mo Kasama mo ako sa muling pagbangon mo Abot tanaw ko na ang bagong umaga Abot kamay ko na ang bagong pag-asa ...may pag-asang darating