Palubog na naman ang ilaw Nagpapaalam na naman ang araw Ang gabi ay muling mamayani At ang lamig ay hahaplos sa pisngi ♪ Ilang araw na ang lumipas Magmula nang ika'y magpaalam Ilang gabi na ang nagdaraan Ang pag-iisa'y tila 'di na makayanan Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi Ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi Nag-iisa, wala ka na Wala ka na, nag-iisa ♪ Ala-ala'y nagbabalik sa aking isip Mga larawan ng bawat sandali Pag-ibig nating sinumpaan Ipinangako sa liwanang ng buwan ♪ Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi Ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi Wala ka na, nag-iisa Nag-iisa, wala ka na Ahhh. ahhh... ♪ Ngunit kailangan ko na ang masanay At tanggapin na lumisan ka na ng tunay Ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig ay mananatili Langit, lagi hanggang sa walang hanggan.