Oh, 'wag masyadong tatangos ang ilong niyo ha Ipinagmamalaki ko ang mga pinay dahil sa 'di naman kailangan na ang mga Pilipina ay masasabi ng Isa sa pinakamaganda sa buong Pilipinas ano Meron kasing characteristics ang mga Pinay 'Pagka sinabi ng Pinay, hindi mo maitatago 'Pagka sinabi mong Pinay, asahan mo ang kutis ay kutis makopa Ang labi ay lasang makopa At ang ilong ay korteng linga Actually, sa totoo lamang sa buong mundo Dalawa lang ang itsura ng babae Isang mukhang birhen at tsaka isang birahin Hay naku Dito sa America, no'ng unang dating ko dito napansin ko 'Yung mga Pilipinong kapwa ko kaanak ay mabababa Talagang napakasisipag Eh kasi naman dito, araw-araw bayaran diba Kaya ang mga pilipino, tuwang-tuwa 'yun Lalo na pagkagabi Pagkagabi yata ay mas mataas ang sweldo ano Ano tawag do'n pagkagabi? Time differential Time differential, ayon mas malaki kita sa gabi Ayon nga ang mga pilipino ay masisipag At nakita ko yung 'Yung buhay na pang araw-araw ng mga Pilipino Napansin ko karamihan ay iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas Iniwan ang kanilang konting yaman do'n at nagbakasakali dito Ano nga Naisulat ko itong kanta, kauna-unahang kantang isinulat ko sa America no'ng dumating ako dito Ang title nito ay buhay sa Amerika Maaring ang iba sa inyo ay mag adapt sa awiting ito Pakinggan niyo to Kung Lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala Kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba At kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa Ng kung ano-ano basta alam na kikita Sa dami ng mga binabayarang hulugan Hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan Bagay na totoo at hindi kataka-taka Marami ang ganyan ang buhay sa Amerika O ang buhay sa Amerika Hindi laging langit at hindi laging masaya Lalo na kung malayo sa iyong minamahal Oras araw buwan taon ay parang mabagal O ang buhay sa Amerika Hindi laging langit at hindi laging sagana Kaya doon sa nangangarap na dito tumira Isa dalawa tatlong beses na mag-isip muna Dito'y pauutangin ka hanggang sa mabaon Susubsob ka sa hanapbuhay para umahon Inaasahang suweldo kahit gaano kataas Lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas Dito'y marami rin nagtatagot tumatakbo Dahil sa ang papel nila'y hindi pa kumpleto Mayrong napipilitang ng magpakasal Kahit na magbayad basta lamang maging legal O ang buhay sa Amerika Minsan ay malungkot minsan ay katawa-tawa At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin Kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin O ang buhay sa Amerika Hindi laging langit at hindi laging maganda Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan Mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian Bayan kong Pilipinas tayo'y kanyang tatanggapin kahit anong oras Pilipinas kong mahal kita'y hindi maipagpapalit kahit kailan