Araw-araw tayo ay may pinag-uusapan, tayo ay nagkakaintindihan Ngunit mayro'ng salita na tayo'y naaasiwa kung ang pagbigkas ay hindi tama Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit iba ang ibig sabihin Kung mali ang pagbigkas ika'y mawawala, at narito ang ilang halimbawa Puno, puno Gabi, gabi Paso, paso Huli, huli Hamon, hamon Dala, dala Hapon, hapon Tira, tira At araw-araw din tayo ay mayro'ng nababasa at binibigkas sa ating isipan Minsan sa pagbasa tayo ay naliligaw kung ang pananda ay hindi tama Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit magkakaiba ng diwa Kung mali ang pananda, ika'y mawawala at narito ang ilang halimbawa Basa, basa Upo, upo Pasa, pasa Tayo, tayo Balat, balat Bunot, bunot Bukas, bukas Supot, supot