Kishore Kumar Hits

Florante - Ang Bisaya lyrics

Artist: Florante

album: Ako'y Pinoy


Galing ng Bisaya, siya'y pumunta sa Maynila
Hakot ang damit, dala pati kanyang gitara
Perang inipon ng limang taon
Inilagay niya sa bayong
Siya'y nahilo sa barko 'pagkat siya'y nalula
Napansin ito ng mandurukot sa Maynila
Perang inipon ng limang taon
Para na lang itinapon
Tinangay ng mandurukot
Wala ni konting habag
Pobreng bisaya ay nagutom
Ang laman ng tiyan ay kabag

Siya'y lumakad at hindi niya pinansin ang pagod
Para siyang kabayong may kutserong lumalagod
Sa isang puno ay tumigil siya
At tinugtog ang gitara
"Pesteng yawa, kay hirap pala ng buhay sa Maynila
'Pag ikaw ay binunggo ng iyong kapuwa
Ang iyong kakainin ay inihaw-haw na carabao"

Kulay-pulang taxi ang sa tapat niya'y tumigil
May seksing babaeng bumaba, siya ay nanggigil
Agad niya itong sinunggaban
At dinala sa damuhan
May pulis, may pulis, siya'y nakita ng pulis
Habang siya ay naglililis
Anong haba ng batuta ng pulis
Kaya't siya ay tumakbo, kaya't siya ay tumakbo
Tumakbo siya nang mabilis, burles

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists