Nalalasap sa 'yong mga labi Ang damdamin mo ay hindi maikubli Para ka lang napipilitan Mga halik mo'y nawala na ang tamis Sana'y huwag mo akong takamin Ang sarap ay iyong ibalik Puso ko ay uhaw sa iyo Dapat lang na iyong dinigin ♪ Nadarama sa iyong mga kapit Damang-dama ko ang iyong panlalamig Para ka lang napipilitan Mga yakap mo ay hindi na mahigpit Sana'y huwag mo akong tiisin Sa bawat sandali'y yapusin Puso ko ay sabik sa iyo Dapat lang na iyong dibdibin ♪ Napupuna sa kilos mo, giliw Ang 'yong paglayo at pag-iwas sa akin Para ka lang napipilitan Labag sa loob na ako ay tagpuin Sana'y huwag mo akong layuan At lalong huwag mong ipagpalit Puso ko ay iyo lang Dapat lang na iyong angkinin Sana'y huwag mo akong takamin Ang sarap ay iyong ibalik Sana'y huwag mo akong tiisin Sa bawat sandali'y yapusin Sana'y huwag mo akong layuan At lalong huwag mong ipagpalit Ang ibigin ako'y dapat lang Dapat lang na iyong mahalin