Kishore Kumar Hits

Florante - Bigkas lyrics

Artist: Florante

album: Eto Na Naman


Araw-araw, tayo ay may pinag-uusapan
Tayo ay nagkakaintindihan
Ngunit mayro'ng salita na tayo'y naaasiwa
Kung ang pagbigkas ay hindi tama
Kay rami ng salitang pareho nga ng letra
Ngunit iba ang ibig sabihin
Kung mali ang pagbigkas, ika'y mawawala
Narito ang ilang halimbawa
Puno, puno
Gabi, gabi
Paso, paso
Huli, huli
Hamon, hamon
Dala, dala
Hapon, Hapon
Kita, kita
Araw-araw din, tayo ay mayro'ng nababasa
At binibigkas sa 'ting isipan
Minsan, sa pagbasa, tayo ay naliligaw
Kung ang pananda ay hindi tama
Kay rami ng salitang pareho nga ng letra
Ngunit magkakaiba ng diwa
Kung mali ang pananda, ika'y mawawala
Narito ang ilang halimbawa
Basa, basa
Upo, upo
Pasa, pasa
Tayo, tayo
Balat, balat
Bunot, bunot
Bukas, bukas
Buko, buko
Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan
Upang tayo'y 'di magkalituhan
Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda
Tayo ay magkakaintindihan
Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan
Upang tayo'y 'di magkalituhan
Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda
Tayo ay magkakaintindihan
Ligaw, ligaw
Pusod, pusod
Buhay, buhay
Aso, aso
Saya, saya
Tubo, tubo
Pito, pito
Bangko, bangko
Supot, supot

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists