Pagpalain ka, Harinawa, ng Diyos na Maykapal Sa iyong paglalakbay, ikaw ay patnubayan Ikaw sana'y maging maingat sa daan Huwag kang magmadali sa iyong patutunguhan Isaisip mong palagi na hindi lamang ikaw Ang may karapatang gumamit ng lansangan Iwasan mong maging sanhi ng sakuna Sa kapuwa tulad mo ay huwag makapinsala Alalay ka lang sa iyong manibela Agapan lang ang preno't alisto ka lagi sa kalsada Alalay lang, kaibigan, alalay lang, kaibigan Konting alalay lang sa kalsada Alalay lang, kaibigan, alalay lang, kaibigan Mag-ingat nang hindi madisgrasya Magpasensiya ka at huwag maging abala sa daan Tama lang na ikaw ay makipagbigayan Panatilihin ang pagpapakumbaba Palaging ngumiti at huwag susubo sa away Sa iyo nakasalalay ang buhay na iyong sakay Bigyan ng halaga, dapat pakaingatan Walang kasingsarap mabuhay sa mundo Kaya magpatakbo nang lubos ang kaligtasan Alalay ka lang sa iyong manibela Agapan lang ang preno't alisto ka lagi sa kalsada Alalay lang, kaibigan (alalay lang), alalay lang, kaibigan (alalay lang) Konting alalay lang sa kalsada Alalay lang, kaibigan (alalay lang), alalay lang, kaibigan (alalay lang) Mag-ingat nang hindi madisgrasya Alalay ka lang sa iyong manibela Agapan lang ang preno't alisto ka lagi sa kalsada Alalay lang, kaibigan (alalay lang), alalay lang, kaibigan (alalay lang) Konting alalay lang sa kalsada Alalay lang, kaibigan (alalay lang), alalay lang, kaibigan (alalay lang) Mag-ingat nang hindi madisgrasya Alalay ka lang sa preno't manibela Alalay lang, kaibigan, mag-ingat nang hindi madisgrasya